Sumailalim sa tinatawag na art therapy ang mga kabataan ng Marikina na naapektuhan ng nagdaang pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.
Pinangunahan ng Child Rehabilitation Center (CRC) ang pagtulong sa mga kabatan ng Barangay Malanday, Marikina City kung saan isang uri ng therapy ay ang paggawa ng parol.
Sa nasabing paraan aniya ay para maibsan ang naranasang trauma dulot ng bagyong Ulysses.
Bawat parol ay sinusulat ng mga bata ang kanilang mga pangarap ganun din ang kanilang kinakatakutan.
Itinuturing nila na isang bahagi ng cognitive mastery ang nasabing paggawa ng parol.
Kasama rin sa therapy ang mga magulang kung saan kinakausap din nila ang mga ito para matulungan ang mga bata.
Maguguntang labis na nasalanta ng matinding pagbaha ang Marikina noong Nobyembre.