Mas maraming bilang ng mga Filipino millennial at Gen Z ang nababahala sa kanilang sitwasyon sa pananalapi at kalusugan.
Ito ang nag-uudyok sa kanila na humanap ng mga paraan upang palaguin ang kanilang pera habang naghahanda para sa kanilang kalusugan at financial protection para sa hinaharap.
Ang datos na ito at batay sa isinagawang survey ng isang grupo.
Sa naturang survey, ang mga nakababatang millennials na ipinanganak noong 1989 hanggang 1996 ay umaasa ng kasaganaan sa kalusugan hanggang sa edad na 55 anyos.
Tinukoy rin sa nasabing survey ang mga factors kung bakit ganito mag-isip ang mga millennial at Gen Z.
Kabilang na rito ang critical illness risk, poverty risk, at weakened social safety nets dahil sa kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
Ipinakita rin sa datos ng survey na ang mga Gen Z at millennial ay hindi immune mula sa panganib ng mga kritikal na sakit dahil sa genetics, kapaligiran, mga stress ng modernong pamumuhay, at iba pang mga kadahilanan.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, kabilang ang mga coronary heart disease, tumor, at cerebrovascular conditions ang pinakamataas na panganib sa kalusugan at kamatayan.
Ang mga Medical treatments, ang itinuturing pa rin na financial burden sa maraming mga Pilipino.