-- Advertisements --

Nabili sa halagang mahigit $20 milyon sa ilang auctions ang mga kagamitan ni British musician Elton John.

Ang mga gamit gaya ng mga salamin, Banksy triptych at iba ay naibenta sa serye ng in-person at online auctions.

Karamihan sa mga kagamitan ay mula sa bahay nito sa Atlanta, Georgia.

Noong nakaraang taon ay nabili sa mahigit P2.84 bilyon ang mga kagamitan ng Queen frontman na si Freddie Mercury.