CAUAYAN CITY – Nakatuklas ang mga sundalo ng 103rd Infantry Battalion Philippine Army ng mga kagamitang pandigma sa Sitio Bayuwong, Mabaca, Balbalan, Kalinga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, Philippine Army na sa pamamagitan ng Mobile community sustainment support teams na nakadeploy sa Balbalan, Kalinga na tropa ng 103rd Infantry Battalion ay nadiskubre nila ang mga kagamitang pandigma ng KLG Baggas.
Ito ay sa tulong na rin ni alyas AJ na dating miyembro ng militia ng bayan.
Kabilang sa mga ito ang dalawang anti-personnel mine, dalawang claymore mines, isang improvised blasting cap, isang Regional Congress Program, subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng mga New People’s Army (NPA).
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng militar at pulisya ang mga pampasabog para madispose ng maayos.