Ipinaabot pa rin ng mga “common” friends o parehong kaibigan nina Scottie Thompson at noo’y longtime turned ex girlfriend nitong si Pauline Fajardo, ang “best wishes” greeting para sa biglaang pagpapakasal ng PBA (Philippine Basketball Association) superstar sa ibang babae.
Ayon kay Kayesha Chua, ang fiancee ng teammate ni Thompson, bahala na si Scottie sa naging desisyon nito kung saan pinili ang ibang babae na sana ay “worth it.”
Sa pagtatapos ng tila joint statement ng mga kaibigan ng dating engaged couple, umapela ang mga ito ng privacy at panalangin mula sa publiko para sa paghilom ng sakit at makapag-move on sa isyu balang araw.
Una nang pinagpiyestahan sa online world ang 8 years na relasyon nina Thompson at Pau, na nauwi sa engagement nito lamang New Year 2021.
Ngunit nitong Hunyo lang din nang magulat ang fans dahil ikinasal si Scottie sa flight attendant na nagngangalang Jinky Serrano.
Sa ngayon ay wala pa ring malinaw na pahayag mula sa instant controversial PBA star, habang deactivated naman ang social media accounts ng kanyang ex-girlfriend of 8 years.