BACOLOD CITY – Minamadali na ng Philippine Sports Commission ang mga kailangan upang ma avail ng active national athletes at coaches ang 20% discount na nakalagay sa probisyon sa Republic Act 10699, na tuluyang naipapatupad matapos ilabas ng BIR ang Revenue Regulation 13-2020, na may petsa na Mayo 27.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay PSC chief of staff and national training director Marc Edward Velasco, malaking tulong ito lalo na at nataon pa sa kasalukuyang sitwasyon kung saan binawasan ng 50% ang monthly allowance ng mga athleta at coach dahil sa malaking pagkabawas sa natatanggap nilang monthly remittance mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) dulot ng Covid-19.
” We try to make sure that anything is in place, right now nag de-design po kami ng bagong ID na merong security features as well as ang booklet na gagamitin na may security features. Pina prioritize namin yan ngayon para ma roll out namin as soon as possible” paglalahad ni Velasco.
Magugunitang inilabas ang nasabing diskuwento matapos na ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat mabigyan ng 20% na diskuwento ang mga national athletes at coaches sa kanilang mga pangunahing bilihin at transportasyon.