-- Advertisements --

Ikinatuwa ng ilang mga restaurant at personal care establishment ang pagdagdag ng Department of Trade and Industry (DTI).

Simula Hunyo 1 kasi ay magiging 40 percent na ang papayagang kapasidad sa mga personal care establishment.

Madadagdagan pa aniya ang mga ito kapag nakakuha ang establishimento ng safey seal mula sa DTI.

Sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na gradual ang ginagawa nilang pagbubukas ng mga negosyo at kanilang mahigpit na oobserbahan ang mga ito kung sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad health protocols.

Mula sa dating 10 percent ay magiging 30 percent ang papayagang makapasok sa mga restuarants.