Ibinahagi ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V ang panibagong mga pangalan na tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education.
Ilan sa mga listahan na nakasulat ay ang mga apeliyedong “Magellan”, “Fionas” at “Ewan”.
Dagdag pa ng mambabatas na ang mga pangalan gaya ng Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, at Joel Linangan ay benepersaryo ng P500 milyon na confidential funds ng OVP.
Habang ang mga pangalan ng Fiona Ranitez, Erwin Q. Ewan, Ellen Magellan, Gary Tanada ay nakatanggap ng bahagi ng P112.5 milyon na confidential fund mula sa DepEd.
Ang nasabing mga pangalan ay walang opisyal na petsa ng kapanganakan, kasal, o petsa ng kamatayan mula sa Philippine Statistics Authority.
Giit pa ni Ortega na hindi na nakakatuwa ang mga nadiskubre nilang pangalan dahil ito ay sumasalamin kung gaano kaseryoso ang gobyerno sa mga disbursement ng pera ng taumbayan.
Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon na magsumite ang House Committee on good government and public accountability na 1,992 individuals na sangkot sa hindi tamang paggamit ng confidential ng ng OVP.
Base na rin sa pananliksik ng PSA na 670 sa 1,992 na pangalan ay may kapareha sa record ng PSA.
Habang 1,322 dito ang walang birth records, 1,456 naman ang walang marriage records at 1,593 ang walang death record.