LEGAZPI CITY – Umakyat na sa 20 ang mga kalabaw sa Virac, Catanduanes na namatay dahil sa liver fluke na nadiskubre sa mga hayop na una ng in-examine.
Ayon sa kumpirmasyon ni Mary Grace Tabinas, Virac municipal agriculture technologist sa panayam ng Bombo Radyo, mula sa iba’t ibang barangay ang mga namatay na kalabaw partikular na sa Pajo Baguio, F. Tacorda, Antipolo, Pajo San Isidro at Palta Small.
Nagsagawa na rin ng deworming ang mga kinauukulan habang sinisikap na makapagbigay ng tulong pinansyal para sa mga apektado lalo pa at nasa P15, 000 ang presyo ng maliit na kalabaw habang P30, 000 man sa mga malalaki na.
Pinawi rin ni Tabinas ang pagka alarma ng publiko lalo pa at hindi tulad ng sakit na African Swine Fever ay nagagamot ang liver fluke at hindi rin nakakahawa.
Posible rin aniyang mula sa damong kinain ng mga hayop ang itlog ng liver fluke na lumaki na sa tiyan ng mga ito.