-- Advertisements --

Ipinakilala na ng organizers ng 2024 Miss Grand Philippines ang kanilang magiging kandidato.

Kabilang na dito ang seasoned contenders na sina CJ Opiaza at Selena Antonio-Reyes.

Hindi na nagulat ang lahat kay Opiaza dahil ilang linggo bago ang anunsiyo ay nagpahayaw na ito sa kaniyang mga social media.

Bilang pageant veteran ay nagwagi na si Opiaza ng Miss Bikini Philippines noong 2016 at sumali na rin ito sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Siya rin ang naging first runner-up sa 2023 Miss Universes Philippines competition.

Habang ang 38-anyos na si Selena Antonio Reyes ay may-asawa na at dalawang anak.

Nakapasok na ito sa Top 20 ng 2024 Miss Universe Philippines pageant at nag-qualify pa sa International competition sa Universal Woman.

Kabilang din na sumali ay si Sophia Bianca Santos na naging second runner-up ng 2024 Miss World Philippines.