-- Advertisements --
Hinimok ng pamunuan ng Manila Electric Company ang mga kalahok sa Interruptible Load Program na maghanda.
Ito dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagtataas ng alerto sa Luzon Grid at mataas na demand sa kuryente ngayong mainit pa rin ang panahon.
Kung maaalala, isinailalim kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines sa Yellow Alert ang Luzon Grid.
Giit ng ahensya, kailangan itong gawin dahil manipis ang suplay ng kuryente.
Tiniyak naman ng Meralco na nakahanda silang umalalay at nakamonitor rin ito sa mga sitwasyon ng Grid.
Plano kasi nitong magpatupad ng Manual Load Dropping o Rotational Brownout.