-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Isasailalim sa forensic examination ang mga kalansay ng pinaniniwalaang sundalo na nahukay sa Buguias, Benguet nitong Huwebes.
Batay sa report ng Buguias police, naghuhukay ang grupo nina Engr. Michael Bagingao para sa pundasyon ng itatayong gusali ng public market ng nasabing bayan nang matagpuan nila ang mga kalansay.
Agad naman niya itong inireport sa Buguias PNP.
Pinaniniwalaang mga kalansay ito ng isang sundalo dahil kasamang nahukay ang isang helmet at pares ng combat shoes.
Narekober ng mga nagrespondeng pulis ang mga kalansay at nilagyan nila ng cordon ang nasabing excavation area para sa posibleng pagdiskobre pa kung may mga kasama ito.