KALIBO, Aklan – Hihigpitan pa ng pulisya ang kanilang pagpapatrolya laban sa prostitusyon na nangyayari sa mga baybayin sa isla ng Boracay.
Batay sa monitoring ng Malay PNP, ang mga itinuturing na prostitutes o mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay lumalabas sa dis-oras ng gabi kung saan, ang kanilang target ay mga dayuhang turista.
Kaugnay nito, hiniling ng pulisya sa Sangguniang Bayan ng Malay na amyendahan ang kasalukuyang Municipal Ordinance No. 160-2002 o ordinance on prohibiting prostitution, pandering and facilitating prostitution upang mabigyan ng mas matinding parusa ang mga lalabag dito.
Ayon kay P/Cpt. Mark Anthony Gesulga ng Malay PNP, ang mga standby na nagbebenta ng panandaliang aliw ay kailangang “blacklisted†sa isla kung mahuli ang mga ito ng hanggang tatlong beses.
Sa kasalukuyang ordinansa aniya ay hanggang P2,500 at 30 araw na pagkakulong lamang ang parusa sa mga mahuling lalabag dito.
Nabatid na noong Abril ay isang KTV bar sa Barangay Manoc-Manoc sa naturang isla ang niraid ng mga awtoridad kung saan, nasa 33 mga babae na biktima umano ng human trafficking ang narescue ng mga miyembro ng Aklan Port-Based Anti-Human Trafficking Task Force at Municipal Social Welfare and Development Office.