KALIBO, Aklan — Bantay-sarado na nang mga pulis ang mga kalsada papunta sa dinadayong mga cherry blossom trees sa Wahington D.C. upang maiwasan ang pagtipon-tipon ng mga tao sa harap ng banta ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Bombo international correspondent Georgilina Fountain, tubong Numancia, Aklan na namumulaklak ngayon ang cherry blossom sa capital ng District of Columbia bagay na isinara muna ang mga pangunahing kalsada, tulay at traffic circles bilang precautionary measure.
Dahil nasa ilalim ng community quarantine ang kanilang lugar, inabisuhan sila na mamalagi sa loob ng kanilang bahay kung wala namang mahalagang lakarin.
Bawal rin ang mga public gatherings at inatasan ang publiko na mag distansiya ng nasa 6 feet sa isa’t-isa upang maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na sakit.
Kahit ang ilang estasyon ng kanilang metro system malapit sa dinadayong Jefferson Memorial at Tidal Basin ay isinara upang maiwasan ang pagbuhos ng maraming tao.
Sa ngayon anya ay nakapagtala na ng mahigit sa 800 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Washington D.C. at isa na ang patay na isang 59 anyos na lalaki.