Isang tulog na lamang bago ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2021, puspusan na ang paghahanda mula sa venue hanggang sa 34 official candidates.
Ngayong araw ay muling nagsagawa ng disinfection sa Araneta Coliseum, habang ang mga kandidata ay isinailalim sa swab test.
Ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases a ituloy ang coronation night ng 57th edition ng Binibining Pilipinas, ay sa kondisyong susunod sa health protocols laban sa Coronavirus Disease (COVID).
Bukas, July 11, ang big night ng Binibining Pilipinas 2021 na matatandaang ilang beses nang ipinagpaliban dahil sa COVID pandemic.
Una nang napabilang sa “top picks” ng karamihang pageant experts ang Davao beauty na si Justine Felizarta na rumampa sa swimsuit competition kahit bagong opera lamang, at si Carina Cariño ng La Union na dumanas ng wardrobe malfunction.
Magpapatalbugan ang 34 “binibini” candidates sa apat na korona para maging kinatawan ng bansa sa Miss Globe, Miss Intercontinental, Miss Grand International, at Miss International.