Sumabak sa iba’t-ibang aktibidad ang ilang kandidata ng Miss Earth sa pagbisita nila sa Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Matapos ang courtesy call kay Commanding General Philippine Army Lieutenant General Macairog Alberto ay tinuruan ang ilang kandidata ng tamang paghawak ng baril.
Binubuo ito ng mga kandidata mula sa Canada, Pilipinas, Armenia, Spain, Sierra Leone, Belgium, Poland, South Africa, Hungar, Venezuela, Australia, USA, Chile, Germany at Honduras.
Matapos sa Camp Aguinaldo ay nagsagawa sila ng clean-up drive at tree planting activity sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA).
Irerepresenta ni Janelle Lazo Tee ang Pilipinas sa pageant na gaganapin sa Oktubre 26 sa Naga City.