-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpatalbugan sa swimsuit challenge ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2024 bilang bahagi ng kanilang preliminary contests na ginanap sa Aqua Boracay.

Sa nasabing event, walong delegado ang napili ng mga hurado bilang Aqua Boracay Angels.

Habang, nagkaroon naman ng surpresang anunsyo kung saan, nasa 12 pang mga kandidata ang naging unang brand ambassadors ng Arete Tagaytay kung saan, si Stacey Gabriel ng Cainta ay napili din bilang Ms. WeSportz by Aqua.

Samantala, hindi nagpahuli ang pambato ng Iloilo na si Alexie Brooks at Athisa Manalo ng Quezon Province kung saan, kasama ang mga ito sa nagstand-out sa swimsuit challenge.

Nabatid na kokoronahan ng reigning queen na si Michelle Marquez Dee ang kaniyang successor sa final competition sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Mayo 22.

Ang mananalo sa 2024 Miss Universe Philippines ang kakatawa sa bansa sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin naman sa Mexico kung saan, dito malalaman kung sino ang papalit kay Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios.