-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Dadalaw ang lahat ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines sa probinsiya ng Benguet sa Oktubre 15 hanggang 16.

Ito ang kinumpirma mismo ni Benguet Governor Melchor Diclas kung saan sinabi niya na ang pagbisita ng mga ito ay makakatulong para sa paglago ng ekonomiya ng probinsiya.

ibinahagi ni Diclas na maisasagawa ang photoshoot ng mga kandidata sa Benguet Capitol, Strawberry Farm, Mt. Costa at may maisasagawa pa sa Baguio Country Club.

Aniya, magpe-perform ang mga ito ng cultural dance ng Benguet para sa pagdating at bilang pagsalubong sa mga kandidato.

Sinabi niya na nakipag-coordinate na sila sa lahat ng mga miyembro ng PNP-Benguet para masigurong masusunod ang mga health protocols kontra sa COVID-19.

Ang nasabing aktibidad ay pagkukusa ni Benguet caretaker at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap.

Magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines sa Oktubre 25.