-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato para sa midterm elections sa susunod na buwan na iwasan muna ang pangangampanya ngayong Holy Week, lalo na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Iginiit ni Commissioner Luie Guia na ang mga araw na ito ay itinuturing na “quiet period” alinsunod na rin sa Comelec Resolution No. 19429 na nagbabawal sa pangangampanya sa Abril 18 at 19.

Paparusahan ng isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo, pagbabawalang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at tatanggalan ng karapatang bumoto ang sinumang lalabag dito.

Ayon kay Guia, sakop ng resolusyon na ito ang mga motorcade pati na rin ang television at radio campaign advertisements.