Maari ng makapaghain ang mga kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections ng kanilang certificate of candidacy (COCs) mula Hulyo 3 hanggang 7 ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa walong pahinang Resolution 10899 na inilabas ng Comelec noong Pebrero 22, ang calendar activities para sa halalan sa Oktubre 30 ay nagsasaad na ang election period ay mula Hulyo 3 hanggang Nobiyembre 14.
Magtatagal naman ang paghahain ng COCs ng limang araw simula sa Hulyo 3.
Kaya’t ayon sa poll body magsisimula lamang ang panahon ng pangangampaniya tatlong buwan matapos ang paghahain ng COCs o mula Oktubre 19 hanggang 28.
Sa nasabing campaign period, ipinagbabawal ng poll body ang pagdadala ng firearms o baril , paggamit ng security personnel, vote buying at vote selling, paglilipat ng civil service employees at suspensiyon ng local elective officials.
Ipinagbabawal din ang pagbebenta , pagbili at pagsisilbi ng nakakalasing na alak.
Hindi na papayagan ang pangangampaniya sa Oktubre 29 o gabi bago ang halalan.
Sa mismong araw ng halalan sa Oktubre 30, ang pagboto ay magsisimula mula 7am hanggang 3pm at agad na susundan ng pagbibilang at canvassing ng mga boto.
Sa Nobiyembre, in‌anunsiyo ng Comelec bilang huling araw ng paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures or SOCEs.