-- Advertisements --

Inakusahan ng pananakot at pagbabanta ang kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde sa Antique.

Batay sa reklamo ng kagawad ng barangay na si Prescel de San Jose, pinagbantaan umano siya at ang kanyang asawa ni Maima Tameta-Lim, kandidato sa pagka-alkalde at running mate nito na si Janice Lim-Ilao ng Panagatan Island sa Caluya, Antique.

Ayon kay San Jose, mahigit dalawang taon na silang tinatakot ng dalawa.

Sa tuwing panahon ng eleksiyon na lamang aniya ay tinatakot silang mag-asawa nina Lim at Ilao.

Pinakahuli ay ang pagbabanta ng mga ito na ipatatapon silang mag-asawa sa kanilang barangay patungo sa Panagatan Island na 99.7 kilometers ang layo mula sa mainland ng Antique.

Modus umano ni Tameta-Lim na singilin ang mga mangingisda ng renta pati na ang mga magsasaka sa kabila nang pagkonsidera ng Panagatan island bilang marine sanctuary salig sa deklarasyon ng Provincial Board ng Antique noong 1995.

Kinikilaka rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Panagatan island bilang public domain.

Sa petisyon na isinumite noong June 14, 2016 inihayag ng grupo ng mga magsasaka kung paano sila inabuso ni Tameta-Lim sa isla ng Panagatan.

Inalmahan ng mga petitioner ang anila’y hindi makataobg pang-aabuso ng naturang opisyal sa pag-obliga sa kanila na magbayad ng renta sa lugar na kanilang inuukupahan sa isla.

Mas lumalala umano ang pananakot ni Tamita-Lim at Ilao kapag panahon ng halalan, kung saan minsan ay pinahihiya sila kapag late silang nakapagbabayad ng renta.

May mga police blotter reports na rin laban sa matinding pananakot ni Tameta-Lim at pagpapahiya sa kanyang mga constituents na dapat ay pinagaisilbihan nito.