Hindi na pahihintulutan pa na umere sa e-rallies na bahagi ng e-rally platform ng komisyon ang mga kandidatong hindi dadalo sa debateng inorganisa ng Comelec.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ay magtatagal pa hanggang sa matapos ang panahon ng kampanya
Simula ngayong buwan ay magsasagawa kasi ng presidential at vice presidential debate ang Komisyon para sa May 2022 election.
Noong Lunes, pormal nang nilagdaan ng poll body ang kasunduan nito sa Vote Pilipinas sa Sofitel Hotel kung saan gaganapin ang Pilipinas Debate 2022.
Sa March 19 gaganapin ang unang Presidential deabte, na susundan naman ng Vice PResidential debate sa March 20, at sa April 3 naman gaganapin ang ikalawang Presidential debate na tatagal ng tatlong oras.
Tatalakayin sa bawat debate ang mga usapin na pumapatungkol sa bansa, tulad ng pandemya, at ekonomiya, habang ang mga katanungan naman ay magmumula sa ilang mga sector groups.