-- Advertisements --
image 306

Umabot na sa 102 na kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay dahil pa rin sa umanoy nakitaan ang mga ito ng paglabag sa premature campaigning o maagang pangangampanya.

Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, kapag nabigo ang mga ito sa kanilang mga paliwanag ay tiyak na maghahain ang komisyon ng disqualification laban sa kanila.

Ilan aniya sa mga inisyuhan ng show cause order ay nagkusa na ring tanggalin ang kanilang mga campaign materials, pero pagtitiyak ni Garcia na ipagpapatuloy pa rin nila ang paghahain ng kaso.

Batay sa Comelec Calendar, magsisimula ang campaign period sa Oktubre19 hanggang 28 ng taong kasalukuyan.

Sa datus ng komisyon, mahigit 1.4million na kandidato ang unang naghain ng kanilang kandidatura.