Nagbabala si National Security Adviser at National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) vice chairman Secretary Hermogenes Esperon, Jr., na madidiskwalipika ang mga kandidato sa halalan na magbabayad ng “permit to campaign fee” (PTC) at “permit to win fee” (PTW) sa New People’s Army (NPA).
Ito’y matapos na ideklara ng Commission on Elections (COMELEC) na iligal ang naturang extortion activity.
Base sa Comelec Resolution No. 22-0179 ang pagbabad ng PTC at PTW ay kabilang sa “vote-buying and voter coercion, election offenses”.
Ayon kay Esperon, ang mga kandidato na magbibigay ng pera sa mga rebelde ay gumagawa ng pinakamataas na antas ng pagtataksil sa mamayang Pilipino, “public trust” at sa konstitusyon na lehitimong dahilan para sa kanilang disqualification.
Pinuri naman ni Esperon ang Comelec sa kanilang hakbang upang mapigilan ang panghimasok ng mga NPA sa election process.