-- Advertisements --

Mga kandidatong naniniwala sa Diyos, dapat iboto – Arch. Villegas

DAGUPAN CITY – Nagpaalala si dating Catholic Bishops Conference of the Philippes (CBCP) President at ngayo’y Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko sa tamang pagpili ng kandidatong iluluklok sa puwesto ngayong papalapit na ang 2019 midterm eleciton.

Sa ipinalabas na mensahe ni Villegas, sinabi nito na hindi nila sinasabi kung sino ang dapat iboto ng mga botante ngunit maari aniya silang maging gabay sa pagpili ng karapat-dapat na mga kandidato.

Aniya, gamitin ang konsensiya sa pipiliing kandidato at iboto ang mga tumatakbong naniniwala sa Diyos.

Dagdag pa nito na ang pagboto ay hindi pananagutang makabayan kundi maka-Diyos.

Sa pagpili rin aniya ng iboboto sa May elections isaalang alang ang 10 utos ng Diyos.