-- Advertisements --

Siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) na babantayan ang pagboto ng mga Kanlaon evacuees pagsapit ng May 12 elections.

Ito ay kasunod ng naging kautusan ng OCD na hindi muna payagan ang mga evacuees na bumalik sa kanilang mga tahanan pagsapit ng May 12 upang bumuto sa mga presinto kung saan napabilang ang kanilang mga pangalan.

Sa panig ng Commission on Elections (Comelec), isasagawa na lamang ang pagboto sa mga evacuation center o sa pinakamalapit na presinto, habang gagawa rin ng ilang mga makeshift polling precinct para sa iba pang mga botante.

Para sa OCD, makikipagtulungan ito sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at mga law enforcement agencies upang masigurong maging mapayapa ang halalan at mabantayan ang sagradong pagboto.

Maliban kasi sa banta ng bulkang Kanlaon ay may ilang lugar din sa Negros Oriental at Negros Occidental na binabantayan dahil sa mainit na tunggalian sa pulitika.

Kabilang sa mga kasalukuyang nakabantay sa mga evacuation center ay ang OCD, Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Governemnt, atbpa.