-- Advertisements --

Hindi bababa sa dalawang flight papunta sa Manila-Surigao-Manila at Manila-Ozamis-Manila ang kanselado ngayong araw dahil sa masamang kondisyon ng panahon.
Sa isang advisory, sinabi ng Manila International Airport Authority na kanselado ang flight ng Cebu Pacific DG6881/6882/ at Cebu Pacific Air 5J781/5J782
*CebGo (DG) DG 6881/6882 Manila-Surigao-Manila
*Cebu Pacific Air (5J) 5J 781/782 Manila-Ozamis-Manila