-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hiling ngayon ng ilang mga mahihirap na investors sa South Cotabato na maibalik na ni Kabus Padatoon (KAPA) founder Joel Apolinario matapos itong nahuli sa Surigao del Sur, matapos naglagak ang mga ito ng malalaking halaga ng pera bago ipinasara.

Ayon kay alyas Jay, isang magsasaka sa bayan ng Polomolok, na nakapaglagak ito ng kabuuang P105,000 sa naturang investment scam sa pag-aakalang malaki ang makukuha nito ngunit labis ang kaniyang pagkadismaya at paghihinayang nang ipinasara ito ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ibinunyag nitong wala siyang nakuha ni isang kusing na nakuha sa kaniyang inilagak na pera.

Sa ngayon ay nais na lamang nitong maibalik ang perang na-invest nito sa naturang investment scam ngayong nahuli na si Apolinario.