-- Advertisements --

Nasa Japan na ngayon ang dalawang kapatid ni double Olympic gold medalist Carlos Yulo na sina Eldrew at Elaiza.

Ang dalawa ay sumasailalim sa pagsasanay ni Japanese coach Munehiro Kugiyama.

Sinabi ng kanilang ina na si Angelica na nasa training camp na sila ni Coach Mune at naghahanap na rin ang nasabing coach ng sponsors.

Una ng sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na plano nilang isabak ang magkakapatid sa Los Angeles Olympics sa 2028.