-- Advertisements --
Binigyan ni PNP chief General Rommel Marbil ng tatlong buwan ang kaniyang kapulisan na burahin ang kanilang tattoo.
Sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na tanging mga visible o mga nakikitang tattoo lamang ang dapat matanggal.
Matapos ang tatlong buwan na hindi pag-comply ay kanilang isasailalim sa imbestigasyon ang mga ito.
Hindi rin sasagutin ng PNP ang pagpapatanggal ng tattoo dahil wala aniya silang kagamitan.
Una rito ay nagpahayag si Marbil na dapat ang mga pulis ay walang tattoo na nakikita o nakalabas dahil hindi aniya maganda sa kanilang uniporme.