-- Advertisements --

Sinita ng mga kapulisan sa southern India ang singer na si Ed Sheeran matapos na surpresahin ang mga fans sa isang live performance.

Nasa Bangalore City ang four-time Grammy singer ng magdesisyon ito ng mag-busking o kumanta sa kalsada malapit sa simbahan.

Habang nasa kalagitnaan ng kaniyang pagkanta ng hit song na “Shape of You” ay dumating na ang mga kapulisan at hinugot ang cable ng microphone at gitara.

Ayon sa mga kapulisan na kanila ng tinanggihan ang paghingi ng permiso ni Sheeran dahil sa magdudulot ito ng trapiko sa lugar.

Labis naman na ikinadismaya ng singer ang pangyayari dahil sa nakapagpaalam sila para isagawa ang busking subalit hindi sila pinayagan.

Magugunitang noong nakaraang taon ay naging sold out ang kaniyang concert sa Mumbai.

Sa mga susunod na araw ay mayroon pa itong dalawang show sa lugar bago ito tuluyang magtungo sa China at United Arab Emirates.