Hindi naitago ng mga kapulisan ng Los Angeles at New York ang magkaroon ng pagkabahala na baka mauwi sa karahasan ang Election Day protest.
Ayon kay New York Police Department chief of Department Terence Monahan at John Miller ng intelligence and counterterrorism na kahit walang direktang banta sa araw ng halalan ay nakahanda pa rin sila para protektahan ang mga botante.
Ilan sa mga pinaghahandaan nila ang karahasan gaya ng riots at iba pa.
Mayroon silang itatalagang mga anti-riot police sa mga lugar na posibleng pagdausan ng halalan.
Ilang senaryo na inihalimbawa nila ay kapag manalo si Trump ay posibleng sumiklab pa ang kaguluhan lalo na sa New York dahil marami sa kaniyang kababayan ang galit sa nasabing US President.
Ganoon din ang mangyayari sakaling manalo si Biden subalit hindi umano ito magiging grabe.
Inaasahan na rin ng mga kapulisan ng Los Angeles ang pagkakaroon daw ng election day protest kaya ngayon pa lamang mahigit isang linggo bago ang halalan ay nakahanda na sila.