DAGUPAN CITY–Ibinahagi ng mga Bombo Volunteers ang kanilang mga natutunan sa katatapos na election coverage ng Bombo Radyo at Star FM na The Vote 2019 Elections.
Ayon kay Bombo Volunteer Mel Patrick Lomibao, Mass Communication graduate mula sa University of Pangasinan, worth it ang pagod, sakit ng katawan at puyat na kanyang naramdaman sapagkat marami itong naranasan at natutunan.
Isa na dito ang pagtaas ng kanyang confidence dahil isinantabi nito ang hiya para lang makakuha ng magandang anggulo ng balita.
Pinuri rin nito ang Bombo Radyo at Star FM dahil ito lamang ang istasyon ng radyo dito sa Pangasinan na kumuha ng mga Volunteers at buong araw na naghatid ng komprehensibong balita patungkol sa halalan.
Samantala, sinabi naman ni Bombo Volunteer Calista Juguilon na bagama’t kinakabahan siya noong una ay mas nangibabaw naman ang excitement at saya na mapabilang sa mga volunteers ng Bombo Radyo.
Hindi rin aniya siya nahirapan sa lugar kung saan ito nadeploy dahil very cooperative at disiplinado ang mga residente.