Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na tiyakin napoprotektahan ang mga karapatan ng mga Pilipinang manggagawa, na napaulat na ginahasa ng isang Kuwaiti police officer.
Sa isang statement, sinabi ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na mariing kinokondena ng CHR ang sexual violence na ginawa ng isang miyembro ng Kuwait airport personnel sa isang Pilipinang manggagawa.
“We seek justice in her behalf, and urge the Department of Foreign Affairs and the Department of Labor and Employment to ensure that our aggrieved OFW’s rights are protected and upheld,†ani Gana.
Nauna nang sinabi ng DFA na ayon kay Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot ng Philippine Embassy sa Kuwait na naglabas ng arrest warrant ang local authorities doon laban sa rape suspect, na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy, 22-anyos.
Ayon sa DFA, sinabi ni Lomondot na si Alajmy ay isa sa mga tumulong sa OFW sa finger scanning registration process sa airport nang dumating ito sa Kuwait noong Hunyo 4.
Sinasabing dinukot ni Alajmy at inabuso ang naturang Filipina household service worker, na ayaw munang ipakilala ni Gana.