-- Advertisements --
Pinagbabawalan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasok ng mga karne ng manok mula sa Brazil dahil umano sa coronavirus contamination.
Tinutukoy sa memorandum na pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar ang section 10 ng Republic Act 10611 o ang Food Safety Act of 2013.
Nagbunsod ang nasabing kautusan matapos na madiskubre sa Shenzen, China na positibo sa COVID-19 ang mga frozen chicken wings mula sa Brazil.
Ayon sa kalihim na patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS) laban sa COVID-19 na matatagpuan umano sa mga foreign meat establishments (FMEs).
Tiniyak naman ng DA na ligtas pa ring kainin ang mga karne ng manok na mabibili sa palengke sa bansa.