-- Advertisements --
Patuloy ang pagtaas ng volume ng mga meat products ang na-angkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) na noong nakaraang taon ay mayroong 1.33 bilyong kilos ang naangkat.
Nahigitan nito ang bilang noong 2023 na mayroon lamang na 1.2-B.
Isa sa nakitang dahilan ng BAI ay ang pagtama ng African Swine Fever (ASF) sa bansa at ang hindi pagtaas ng taripa sa mga imported na karne.
Nanguna ang bansang Brazil sa pinagkukuhanan ng Pilipinas ng mga karne na sinundan ng US at pumangatlo ang Spain.