-- Advertisements --

Nilinaw ni Justice Undersecretary Nicholas Ty na nananatiling valido o kinikilala pa rin ang mga kasal na pinamunuan ng pinatalsik na Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasunod ito sa kuwestiyon ng ilang mga mambabatas sa pagtatalakay ng proposed 2025 budget ng Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni Ty, naniniwala sila na dapat kilalanin ang doktrina ng kasal na iginawad ni Guo noong ito ay nanunungkulan pa posisyon.

Nakasaad aniya sa doktrina n hiwalay ang authority at hiwalay din ang epekto nito.

Magugunitang noong Agosto ay pinatalsik ng Office of the Ombudsman si Guo na may konektado sa operasyon ng iligal na Philippine offshore gaming operator hub sa bayan niya.

Napatunayan ng Office of the Ombudsman si Guo na guilty sa grave misconduct kaya ito pinatalsik.