-- Advertisements --
Tiniyak ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt na kanilang aabutan ng tulong ang mga kasamahan ng dalawang Pinoy na biktima ng missile attack.
Sa isang pahayag sinabi nga ng DFA na sila rin ay nakahandang magbigay ng mga pangangailangan ng 13 Pinoy na nasa Djibouti na ngayon.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa mga pamilya ng dalawang Pinoy seafarers na nasawi matapos ang nasabing missile attack sa civilian bulk carrier mv true confidence ng mga Houthi Rebels.
Punto pa ng ahensya na maging sila man ay nag-aalala ng lubos sa naturang insidente.
Ang nasabing bilang ng mga pinoy ay iniligtas ng Indian Navy.