-- Advertisements --
Makakatanggap na rin ang mga kasambahay sa Central Luzon ng P500 taas sa kanilang buwanang sahod na epektibo nitong araw ng Lunes, June 20.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Central Luzon, ang bagong buwanang minimum wage sa rehiyon ng mga kasambahay na nasa chartered cities at first-class municipalitie ay nasa P5,000 na mula sa dating P4,500.
Habang sa mga kasambahay naman na nasa ibang munisipalidad sa rehiyon ay makakatanggap na ang P4,500 na buwanang sahod mula sa dating wage rate na P4000.
Paalala naman ng RTWPB sa mga employers na bayaran ng tama ang sahod ng kanilang mga kasambahay sa pamamagitan ng cash kada buwan at walang dapat na kaltas maliban sa nakasaad sa batas.