-- Advertisements --

Nakatakdang makatanggap ng pagtaas sa sahod ang mga kasambahay sa National Capital Region.

Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), magsasagawa sila ng pulong ukol sa nasabing panukala.

Isasagawa aniya ito sa darating na Nobyembre 25 sa Philippine Trade Training Center sa lungsod ng Pasay.

Inimbitahan nila ang mga stakesholders kung saan magsusumite ang mga ito ng mga position papers ukol sa nasabing panukala.

Magugunitang noong Enero ay inaprubahan ng RTWPB ang dagdag na P500 para sa mga kasambahay na nagbibigay na ng P6,500 sa kada buwan na sahod.