-- Advertisements --

Ipinagbawal pa rin ng munisipalidad ng Pateros ang anumang pagsasagawa ng mass gatherings ganun din ang limitadong aktibidad sa pagdiriwang ng kapiyestahan ng Sta. Martha na gaganapin ngayong linggo.

Sa iniliabas na Executive Order No. 4 na pirmado ni Patero Mayor Miguel Ponce III na may mga inilabas silang aktibidad na maaari lamang isagawa sa nasabing kapiyestahan.

Kung mga nagdaang mga taon ay isinasagawa ang aktibidad gaya ng street dancing, prosesyon at iba pa ay mahigpit na ito ipinagbabawal dahil sa patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ilan sa mga papayagang aktibidad ay ang Novena mass basta mahigpit na sundin ang health protocols.

Papayagan lamang ang mga motorcade pero limitado lamang sa tatlong sasakyan basta ito ay pangungunahan ng simbahan.

Mahigpit na binaalan ng Pateros LGU na papatawan nila ang parusa ang sinumang lalabag.