Inaayos na ng mga otoridad ang kasong administratibo na isasampa laban sa dalawang miyembro ng Davao City Police Office na sangkot sa nangyaring robbery dito sa General Santos City.
Ang mga ito ay kinilalang sina P/Chief Master Sgt. Reynante Medina ng Foot Patrol and Bike Unit at P/Master Sgt. Christopher Ararao ng Bunawan Police Office.
Sa panayam kay Col. Jomar Alexis Yap, ang bag-ong upo na Acting City PNP Director ng lungsod na mabilis na kumilos ang mga pulis na kaagad na nagsagawa ng mga checkpoint na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang pulis.
Aniya, positibong itinuro ng biktimang si Jacky Faeldin, 37-anyos at residente ng Purok Ondok Gawan sa Barangay San Jose sa GenSan sina P/Chief Master Medina at P/Master Sgt. Ararao na pumasok sa kanilang bahay.
Matatandaang sa kuwento ng biktima na pinasok ng mga armadong lalaki ang kanyang bahay at kinuha ang mga personal na gamit gayundin ang mga cellphone at cash na nagkakahalaga ng P165,000.
Napag-alaman na robbery with force and intimidation at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act ang ginawa ng dalawang miyembro ng pulisya.
Nabatid na may dalawa pang kasamang sibilyan ang mga ito na kinilala na sina Edwin Salvador, 40 anyos, at ang Winston Jay Ongco, 30 anyos