-- Advertisements --
Napaiyak ang actor na si Kevin Spacey matapos na basahin ang hatol na not guilty verdicts sa siyam na sex offences.
Ginanap ang pagbasa ng hatol sa Southwark Crown Court ng London.
Ayon sa 64-anyos na tila nabunutan ito ng tinik ng marinig ang desisyon ng korte.
Unang pinabulaanan nito ng actor na ginamit niya ang kaniyang pagiging artista para gawin ang mga panggagahasa.
Pinasalamatan ng actor ang kaniyang staff at legal team sa pag-asikaso sa kaso nito.