-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 01 15 37 52
Cebu City hall

CEBU CITY – Nakahanda na umano ang kasong kriminal at administratibo na ihahain ng City Legal Office laban sa dating alkalde ng lungsod ng Cebu na si Tomas Osmeña.

Ito ay kasunod pa rin sa kontrobersyal na pagpasira nito sa City Mayor’s office.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Rey Gealon, city attorney, sinabi nito na anumang oras nitong linggo ihahain nila sa Office of the Ombudsman-Visayas ang criminal at administrative case laban kay Osmeña.

Ayon kay Atty. Gealon na kumpleto na ang affidavit ng mga gwardya na siyang naging saksi sa pagpasok ng nasa 27 tauhan ng Dakay Construction na inutusan diumano ng dating alkalde na gibain ang mayor’s office.

Giit ng City Attorney, ang lahat ng ginibang property ay pagmamay-ari ng gobyerno, bagay na nilabag umano ni Osmeña.

Inihayag din nito na sinimulan na ang imbestigasyon kaugnay sa nawawalang official seal ng office of the Mayor at kasong pagnanakaw naman ang ihahaing kaso kung mapapatunayang kabilang ito sa dinala ng dating alkalde.