BUTUAN CITY – Umabot na sa 207 ang mga naitalang kaso ng acute gastroenteritis sa probinsya ng Dinagat islands, 18 araw matapos humagupit ang bagyong Odette na kumitil na sa buhay ng 3 katao.
Sa nasabing bilang, isa sa mga ito ang naitala sa Brgy. Rita Glenda sa bayan ng Basilisa, 7 mga barangay naman sa bayan ng Cagdianao na kinabibilangan ng Brgyg Brgy. Del Pilar, Laguna, Maatas, Nueva Estrella, Poblacion, R. Ecleo, at San Jose.
May mga kaso ding naitala sa Brgy. Mauswagon at New Mabuhay sa bayan ng Dinagat, limang mga barangay naman sa SanJose na kinabibilangan ng Brgy. Aurelio, Poblacion, Sta. Cruz, Jacquez, at Matingbe, at dalawa naman sa bayan ng Tubajon na kinabibilangan ng Brgy. Mabini at Malinao.
Dinala sa Dinagat District Hospital ang 15 mga bagong aktibong kaso.
Patuloy naman ngayon ang pagsisikap ng medical team ng Department of health-Caraga upang tuluyan nang ma-contain ang nasabing sakit na dala ng kakulangan ng supply ng malinis na tubig inumin natapos sirain ng bagyong Odette ang kanilang mga water sources.