-- Advertisements --

Lumobo pa sa 2,000 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City local government unit, sa nasabing bilang, 1,822 ang naberipikang may address sa siyudad, habang 1,634 ang validated ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa pinakahuling datos, pumapalo na sa 841 ang bilang ng mga aktibong COVID-19 cases sa lungsod.

Samantala, 10 bagong recoveries ang naitala, dahilan para umakyat ang bilang sa 624.

Habang ang death toll ay umabot na sa 169 makaraang madagdagan ng tatlo.

Sa kabilang dako, sinabi ng LGU na maglalabas sila ng updated na listahan ng mga barangay na nasa extreme enhanced community quarantine.

Nananatili naman ang 14-day special concern lockdown sa mga sumusunod na lugar mula noong Mayo 13 dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19:

  • Sitio Militar sa Barangay Bahay Toro
  • Vargas Compound-Adelfa Metro Heights-Abanay and Ancop Canada sa Barangay Culiat
  • Lower Gulod sa Barangay Sauyo
  • 318 Dakila Street, 2nd Alley Kalayaan B at Masbate Street sa Barangay Batasan Hills
  • Victory Avenue, ROTC Hunters, BMA Avenue at Agno Street sa Barangay Tatalon