-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health ang mga kaso ng sakit na human immunodeficiency virus sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang kagawaran ng pagtaas ng bilang ng average cases ng sakit na HIV ng hanggang 418% kada taon mula noong 2010 hanggang 2022.

Ayon sa DOH, halos kalahati ng naturang datos na naitala ay parang mga indibidwal na may edad na 15 taong gulang hanggang 24 na taong gulang.

Sa isang pahayag ay sinabi ni United Nations Agency for International Development Regional Director in Asia and the Pacific Eastern Europe and Central Asia Regions Eamonn Murphy, batay aniya sa kanilang naging obserbasyon ay nahinto virtually ang mga ikinakasang HIV prevention progress sa Asia Pacific partikular na noong panahon ng pandemya.

Dahil dito ay mas pinaigting pa ngayon ng mga health experts at iba’t-ibang mga grupo sa pagpapalaganap ng HIV/AIDS awareness.