Ikinaalarma sa kasalukuyang panahon ang paglipana ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan online sa buong Davao Region.
Nailahad ni Peter John Cabanilla, victim witness coordinator designate ng Department of Justice-Davao, kadalasan sa mga kaso ay sangkot ang kanilang mga magulang na nagpupumilit sa kanilang mga anak na sumabak sa online prostitution bilang hanapbuhay.
Mas tumataas ang bilang ng mga kaso nito dahil sa work-from-home arrangement magmula nang nagka-pandemya pati ang kahirapan na nararanasan ng mga pamilyang nasasangkot nito.
Ayon sa nakalap na datos ng DOJ Davao, may naitalang walong kaso ng sexual exploitation of children dito sa rehiyon na nailalahad ang kahit na anong mapanirang aktibidad online gamit ang mga bata upang matugunan ang sekswal na pagnanasa ng mga nambibiktima nito, depende sa consent ng biktima.
Ang mga nasabing sirkumstansya ay napabilang sa ilalim ng Republic Act 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.
Posibleng maparusahan ang sinumang nasasangkot ng pagkakakulong at ng multa mula P200,000 hanggang P2 million, at posibleng aakyat mula P5 million hanggang P20 million.
Natatandaang nasagip ang dalawang bata mula Davao City, at tatlo mula Davao del Norte sa naturang kaso, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas.