-- Advertisements --

Lumobo sa 568 ang kabuuang kaso ng Pertussis o ubong-dalahit sa buong Pilipinas mula Marso 10 hanggang 16 ng kasalukuyang taon ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos na madagdagan pa ng 28 bagong dinapuan ng nasabing sakit.

Sa National Capital Region pa lamang, nasa 58 kaso ang naitala katumbas ito ng 27% ng kabuuang kumpirmadong kaso sa lahat ng rehiyon.

Maliban sa NCR, nakapagtala rin ng mataas na kaso ng pertussis ang Calabarzon, Western Visayas, Mimaropa at Central Visayas.

Nasa 6 mula sa 10 kabuuang dinaouan ng pertussis ay snggol na mas mababa sa 6 na buwang gulang.

Tatlo naman mula sa 4 na sanggol ang hindi pabakundo o walang vaccination history.

Iniulat din ng ahensiya na umakyat na sa 40 na ang nasawi sa nakakahawang sakit na ito.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng DOH ang mga magulang o guardians para pabakunahan ng pentavalent vaccine nang libre sa government health centers ang mga sanggol na nasa 6 na linggong gulang. (With reports from Bombo Everly Rico)