Pormal nang nilagdaan ng Commission on Higher Education at isang kilalang Pharmaceutical Foundation ang isang kasunduan ngayong araw.
Layon ng kasunduan na ito na makapagbigay ng guidance counselors,health staff at student leaders sa mga universities and colleges upang itaas ang kamalayan at makatulong na maiwasan ang mga kaso pagpapakamatay.
Ayon kay CHED chief Prospero De Vera , ang mga school administrator at faculty member ay isasama rin sa Training of Trainers Program para sa suicide prevention.
Paliwanag ni De Vera, makatutulong ito upang maging isang mabisang gatekeepers sa mga paaralan.
Ito ay sa pamamagitan ng proper identification proper identification at iba pang paraan.
Batay sa isang pag-aaral noong 2021 ng University of the Philippines Population Institute , nagpakita ito na 20 porsyento ng mga kabataang Pilipino ang nag-isip ng pagpapakamatay.
Ayon naman sa Department of Education , 404 na mag-aaral ang namatay dahil sa pagpapatiwakal noong school year 2021-2022 habang 2,147 din ang nagtangkang magpakamatay.